Mapanganib na Dako

Psalm 3:5 Lenspirasyon, Biblia, Verse, Inpirational Verse, Church of Christ

Awit 3:3, 5, 8 Nguni’t ikaw, Oh Panginoon ay isang kalasag sa palibot ko: aking kaluwalhatian; at siyang tagapagtaas ng aking ulo. Ako’y nahiga, at natulog; ako’y nagising; sapagka’t inaalalayan ako ng Panginoon. Pagliligtas ay ukol sa Panginoon: sumaiyong bayan nawa ang iyong pagpapala. Habang binabasa mo ang blog na ito alam kong kakabasa mo lang ng mga balita kanina. Balitang puno ng kasamaan. Patayan. Barilan. Karahasan. Digmaan. At marami pang ibang tulad nito. Patunay lamang na ang sanlibutan ay …

Basahin

Bansang Mapalad

Bible, Lenspirasyon, Inspirational Quotes, Church of Christ, Verse, PMCC (4th Watch)

“Mapalad ang bansa na ang Dios ay ang Panginoon; ang bayan na kaniyang pinili sa ganang kaniyang sariling mana.”  – Awit 33:12 Ang Dios ay nangangalaga sa bawat isa anuman ang nakakaapekto sa buhay natin – kabilang na dito kung sino ang mamumuno at pano ito pamahalaan. Iyan ang isa sa dahilan kung bakit iniutos nyang ipanalangin ang ating pamahalaan at ang mga namumuno dito. “Una-una nga sa lahat ng mga bagay, ay iniaaral ko na manaing, manalangin, mamagitan, at …

Basahin

Itataas ka ng Dios

Bible, Lenspirasyon, Inspirational Quotes, Church of Christ, Verse, PMCC (4th Watch)

Awit 3:3 “Nguni’t ikaw, Oh Panginoon ay isang kalasag sa palibot ko: aking kaluwalhatian; at siyang tagapagtaas ng aking ulo.” Awit 3:3 BMBB “Ngunit ikaw Yahweh, ang aking sanggalang, binibigyan mo ako ng tagumpay at karangalan.” Kung iyong pagbubulayan ang iyong buhay, anung sitwasyon ang pinaka-walang pag asa para sa ‘yo? Yung puntong lugmok na lugmok ka na at sobrang desperado. Naisip mo na? Ngayon, isipin mo ito, nang sinubukan ni Absalom na agawin ang trono mula sa kanyang amang …

Basahin

Kanyang Pinahihiga sa Pastulan

Bible, Lenspirasyon, Inspirational Quotes, Church of Christ, Verse, PMCC (4th Watch)

“Kaniyang pinahihiga ako sa sariwang pastulan: pinapatnubayan niya ako sa siping ng mga tubig na pahingahan” Awit 23:2 Tingnan ang unang bahagi dito: Awit 23:1 Hindi madali ang magpahiga ng tupa. Hindi ito mapapaupo hanggat hindi naibibigay ang kanilang gusto at kondisyon: • Dapat hindi sila takot – likas na matatakutin ang mga ito kaya nga kapag may natakot na isa susunod na ang buong kawan. Subukan mong lumapit sa kanila, tiyak lalayo sila lahat sa yo. • Walang away sa kapwa tupa …

Basahin

Dios ang Ating Saklolo

Bible, Lenspirasyon, Inspirational Quotes, Church of Christ, Verse, PMCC (4th Watch)

“Ang saklolo natin ay nasa pangalan ng Panginoon, na siyang gumawa ng langit at lupa.” Awit 124:8 Mula Awit 120 hanggang 134 tinatawag ang mga kapitulong ito na Song of Ascent o Awit ng Pag-akyat. Inaawit ito ng mga Israelita sa kanilang paglalakbay sa kanilang taunang selebrasyon patungo sa Jerusalem – ang sentro ng kapistahan. Ipinakita sa mga awit kung gaano kahirap at kalayo ang kanilang lalakbayin (Awit 121). Kapag tirik ang araw o kaya’y malamig ang gabi, may maririnig …

Basahin

Siya ang Kanlungan

Bible, Lenspirasyon, Inspirational Quotes, Church of Christ, Verse, PMCC (4th Watch)

“Aking sasabihin tungkol sa Panginoon, siya’y aking kanlungan at aking katibayan, ang Dios ko na siyang aking tinitiwalaan.” – Awit 91:2 Mayroong lihim na kasaysayan sa Japan na kung tawagin ay Kirishtan Holocaust na kung saan noong 1595 sinimulang patayin ang mahigit 100,000 mga Japanese Christian (bagamat sa ilang tala ay aabot ito ng isang milyon). Nangyari ito noong panahon ng Edo Period na kung saan mahigpit na ipinagbabawal ang ibang relihiyon maliban sa kanilang kinagisnan. Bagamat sa kabila ng …

Basahin

Ang Panginoon ay Aking Pastor

Bible, Lenspirasyon, Inspirational Quotes, Church of Christ, Verse, PMCC (4th Watch)

“Ang Panginoon ay aking pastor; hindi ako mangangailangan.” Awit 23:1 Ang Awit 23 ang isa sa mga popular na talata sa Biblia. Karamihan sa atin ay nakabisado na yan noong bata pa lalo na kapag panahon ng Sunday School. Maging hanggang ngayon, sa pagtanda o nawalan ng mahal sa buhay inaaliw tayo ng talatang ito. Marahil kaya natin nagustuhan ang taltang ito ay dahil sa pagiging personal nito sa atin.Tatlong libong taon na ang nakakaraan nang sinulat ni David ito …

Basahin