Siya ang Ating Kasapatan

Lenspirasyon, Biblia, Verse, Inpirational Verse

Hebreo 13:5-6 Mangilag kayo sa pagibig sa salapi; mangagkasiya kayo sa inyong tinatangkilik: sapagka’t siya rin ang nagsabi, Sa anomang paraan ay hindi kita papagkukulangin, sa anomang paraan ni hindi kita pababayaan. Hebreo 13:5-6 (SND) Ang pamumuhay ninyo ay dapat walang pag-ibig sa salapi. Masiyahan na kayo sa mga bagay na taglay ninyo sapagkat sinabi ng Diyos: Kailanman ay hindi kita iiwan at kailanman ay hindi kita pababayaan. Ang pagiging kontento o may kasiyahan kung anong mayroon ay isang mahalagang …

Basahin

Salitang May Biyaya

Bible, Lenspirasyon, Inspirational Quotes, Church of Christ, Verse, PMCC (4th Watch)

Colosas 4:29 “Ang inyong pananalita nawa’y laging may biyaya, na magkalasang asin, upang inyong maalaman kung ano ang nararapat ninyong isagot sa bawa’t isa.” Ang mga salita ni Pablo ay nagpapaalala sa atin na dapat sa tuwing tayo ay magsasalita ay pawang mga mabubuting salita ang ating mga sinasabi. Mga salitang may biyaya. Mga salitang nakakapagpalakas at nagbibigay halimbawa. Ang ating mga salita ay dapat sa ikatitibay ng makakapakinig (Efeso 4:29). Ang Panginoong Jesus at si Pablo ay mga halimbawa …

Basahin

Sa Awa ng Dios

Bible, Lenspirasyon, Inspirational Quotes, Church of Christ, Verse, PMCC (4th Watch)

Efeso 2: 4-5 “Nguni’t ang Dios, palibhasa’y mayaman sa awa, dahil sa kaniyang malaking pagibig na kaniyang iniibig sa atin, Bagama’t tayo’y mga patay dahil sa ating mga kasalanan, tayo’y binuhay na kalakip ni Cristo (sa pamamagitan ng biyaya kayo’y nangaligtas)” Parang may pagkakahawig ang kahulugan pero may kakaunting pagkakaiba ang salitang biyaya (grace) at awa (mercy). Ang biyaya ay nangangahulugan ng “pagtanggap sa mga bagay kahit na hindi ka karapat-dapat,” sa ibang salita, ang biyaya ay ang mga hindi …

Basahin

Ang Mabautismuhan ay Maliligtas

Bible, Lenspirasyon, Inspirational Quotes, Church of Christ, Verse, PMCC (4th Watch)

“Ang sumasampalataya at mabautismuhan ay maliligtas; datapuwa’t ang hindi sumasampalataya ay parurusahan.” – Marcos 16:16 Ang kaligtasan ay matatamo ng tao kung siya ay sumampalataya at mabautismuhan (Marcos 16:16). Kasama ang bautismo sa kaligtasan. Hindi maliligtas ang tao kung sasabihin niya na siya ay sumasampalataya kay Cristo at hindi magpapabautismo. Ang bautismo ay pangangailangan sa kaligtasan. At mahalagang maunawaan ng isang tao ang kahalagahan nito sa pagtatamo ng kaligtasan. Katunayan ang Panginoon mismo ang nagturo na kasama ang bautismo …

Basahin

Kanyang Pinahihiga sa Pastulan

Bible, Lenspirasyon, Inspirational Quotes, Church of Christ, Verse, PMCC (4th Watch)

“Kaniyang pinahihiga ako sa sariwang pastulan: pinapatnubayan niya ako sa siping ng mga tubig na pahingahan” Awit 23:2 Tingnan ang unang bahagi dito: Awit 23:1 Hindi madali ang magpahiga ng tupa. Hindi ito mapapaupo hanggat hindi naibibigay ang kanilang gusto at kondisyon: • Dapat hindi sila takot – likas na matatakutin ang mga ito kaya nga kapag may natakot na isa susunod na ang buong kawan. Subukan mong lumapit sa kanila, tiyak lalayo sila lahat sa yo. • Walang away sa kapwa tupa …

Basahin