Humayo, Tumayo, Magsalita

Acts 5:20 Lenspirasyon, Biblia, Verse, Inpirational Verse

Acts 5:20 Magsihayo kayo, at magsitayo kayo sa templo, at sabihin ninyo sa bayan ang lahat ng mga salita ng Buhay na ito. Simple ang instructions pero malalim. Pinakita nito kung paano ang mga alagad ay pinalaya, ibinangon, at nagkaroon ng lakas ng loob at layunin para baguhin ang sanlibutan para kay Cristo. Humayo Isa sa paboritong salita ng ating Panginoong Jesus. Sinabi niya sa mga alagad sa Mateo 10 na humayo sa mga tupang naliligaw. Sinabi niya ding ipahayag …

Basahin

Siya ang Ating Kasapatan

Lenspirasyon, Biblia, Verse, Inpirational Verse

Hebreo 13:5-6 Mangilag kayo sa pagibig sa salapi; mangagkasiya kayo sa inyong tinatangkilik: sapagka’t siya rin ang nagsabi, Sa anomang paraan ay hindi kita papagkukulangin, sa anomang paraan ni hindi kita pababayaan. Hebreo 13:5-6 (SND) Ang pamumuhay ninyo ay dapat walang pag-ibig sa salapi. Masiyahan na kayo sa mga bagay na taglay ninyo sapagkat sinabi ng Diyos: Kailanman ay hindi kita iiwan at kailanman ay hindi kita pababayaan. Ang pagiging kontento o may kasiyahan kung anong mayroon ay isang mahalagang …

Basahin

Kaibigan sa Lahat ng Panahon

Bible, Lenspirasyon, Inspirational Quotes, Church of Christ, Verse, PMCC (4th Watch)

Kawikaan 17:17 “Ang kaibigan ay umiibig sa lahat ng panahon, at ang kapatid ay ipinanganak na ukol sa kasakunaan.” Job 2: 12-13 “At nang kanilang itanaw ang kanilang mga mata mula sa malayo, at hindi siya makilala, kanilang inilakas ang kanilang tinig, at nagsiiyak at hinapak ng bawa’t isa sa kanila ang kanikaniyang balabal, at nagbuhos ng alabok sa kanilang mga ulo sa dakong langit. Sa gayo’y nangakiumpok sila sa kaniya sa ibabaw ng lupa na pitong araw at pitong …

Basahin

Kaaliwan sa Gitna ng Kalumbayan

Bible, Lenspirasyon, Inspirational Quotes, Church of Christ, Verse, PMCC (4th Watch)

Isaias 61:2 “Upang magtanyag ng kalugodlugod na taon ng Panginoon, at ng kaarawan ng panghihiganti ng ating Dios; upang aliwin yaong lahat na nagsisitangis;” Isaias 40:1 “Inyong aliwin, inyong aliwin ang aking bayan, sabi ng inyong Dios.” Anung klaseng kaaliwan ang gusto mo kapag ikaw ay nalulumbay, tumatangis o nagdaramdam? Anung klaseng kaaliwan ang ayaw mo at bakit? Ang Panginoon ay hindi bago pagdating sa pagdurusa. Nauunawan Niya ito sapagkat naranasan na Niya ito. Isinasaysay ni Apostol Juan ang kasaysayan ng …

Basahin

Bansang Mapalad

Bible, Lenspirasyon, Inspirational Quotes, Church of Christ, Verse, PMCC (4th Watch)

“Mapalad ang bansa na ang Dios ay ang Panginoon; ang bayan na kaniyang pinili sa ganang kaniyang sariling mana.”  – Awit 33:12 Ang Dios ay nangangalaga sa bawat isa anuman ang nakakaapekto sa buhay natin – kabilang na dito kung sino ang mamumuno at pano ito pamahalaan. Iyan ang isa sa dahilan kung bakit iniutos nyang ipanalangin ang ating pamahalaan at ang mga namumuno dito. “Una-una nga sa lahat ng mga bagay, ay iniaaral ko na manaing, manalangin, mamagitan, at …

Basahin

Matibay na Pundasyon

Bible, Lenspirasyon, Inspirational Quotes, Church of Christ, Verse, PMCC (4th Watch)

“Palibhasa’y alam niya ang mga iniisip nila, kanyang sinabi sa kanila, “Bawat kahariang lumalaban sa kanyang sarili ay babagsak; at walang bayan o sambahayang nagkakahati-hati ang magtatagal.” Mateo 12:25 (FSV) Ang Panginoong Jesus mismo ang nagsabi na ang sambahayang nagkakabahabahagi ay hindi mananatili (Mateo 12:25). Ang isang sambahayan ay dapat na mayroong isang matibay na pagkakaisa. Ang Salita ng Dios ay sapat upang panatilihing buo at nakapananatili ang isang sambahayan. Kung ating tuturuan ang ating sambahayan ng Salita ng Dios, …

Basahin

Pag-asa sa Pagkabuhay

Bible, Lenspirasyon, Inspirational Quotes, Church of Christ, Verse, PMCC (4th Watch)

“Sinabi sa kaniya ni Jesus, Ako ang pagkabuhay na maguli, at ang kabuhayan: ang sumasampalataya sa akin, bagama’t siya’y mamatay, gayon ma’y mabubuhay siya.” -Juan 11:25 Ang Linggo ng Pagkabuhay ay hindi tungkol sa mga makukulay na itlog, o sa pagsuot ng damit na kulay-pastel, o sa mga malalaking pagkain, bagaman ang mga ito ay kabilang sa pagdiriwang sa tinatawag nilang Easter Sunday. Sa halip ang Pagkabuhay na itinuturo ng Biblia ay sumasklaw sa kamatayan at muling pagkabuhay ng ating …

Basahin

Handog sa Kasalanan

Bible, Lenspirasyon, Inspirational Quotes, Church of Christ, Verse, PMCC (4th Watch)

Hebreo 9:28 “Ay gayon din naman si Cristo, na inihandog na minsan upang dalhin ang mga kasalanan ng marami, sa ikalawa’y pakikita na hiwalay sa kasalanan, sa ikaliligtas ng mga nagsisipaghintay sa kaniya.” Levitico 9:7 “At sinabi ni Moises kay Aaron, Lumapit ka sa dambana, at ihandog mo ang iyong handog dahil sa kasalanan, at ang iyong handog na susunugin, at itubos mo sa iyong sarili at sa bayan: at ihandog mo ang alay ng bayan, at itubos mo sa …

Basahin

Huwag Kang Matakot

Bible, Lenspirasyon, Inspirational Quotes, Church of Christ, Verse, PMCC (4th Watch)

Huwag kang matakot, sapagkat ako’y sumasaiyo; huwag kang manglupaypay, sapagka’t ako’y iyong Dios; Aking palalakasin ka, aking tutulungan ka, Aking aalalayan ka ng aking kanang kamay ng katuwiran. – Isaias 41:10 Huwag matakot? Paano tayo inasahan ng Dios sa isang di-makatotohanang bagay? Ito ay madaling sabihin para sa Kanya dahil Siya ay Dios. Siya ay nasa langit. Hindi Niya siguro alam kung anung pinagdaraanan natin dito sa lupa. Tayo ay nahaharap sa mga karahasan at mga kalamidad, kasama pa ang …

Basahin

Tayo’y Kanyang Gawa

Bible, Lenspirasyon, Inspirational Quotes, Church of Christ, Verse, PMCC (4th Watch)

Efeso 2:10: “Sapagka’t tayo’y kaniyang gawa, na nilalang kay Cristo Jesus para sa mabubuting gawa, na mga inihanda ng Dios nang una upang siya nating lakaran.” Narito ang isang talata na makakapagpaningas ng ating paglilingkod sa Dios anuman ang ating ginagawa. Dito kasi ay maliwanag na binanggit na tayo ay isang gawa – isang likha ng Dios. Hindi lang basta ito simpleng gawa kundi isang kamanghamanghang gawa. Katunayan sa English ang ginamit na salita ay “masterpiece” at sa Espanyol ay “obra …

Basahin