Humayo, Tumayo, Magsalita

Acts 5:20 Lenspirasyon, Biblia, Verse, Inpirational Verse

Acts 5:20 Magsihayo kayo, at magsitayo kayo sa templo, at sabihin ninyo sa bayan ang lahat ng mga salita ng Buhay na ito. Simple ang instructions pero malalim. Pinakita nito kung paano ang mga alagad ay pinalaya, ibinangon, at nagkaroon ng lakas ng loob at layunin para baguhin ang sanlibutan para kay Cristo. Humayo Isa sa paboritong salita ng ating Panginoong Jesus. Sinabi niya sa mga alagad sa Mateo 10 na humayo sa mga tupang naliligaw. Sinabi niya ding ipahayag …

Basahin

Mapanganib na Dako

Psalm 3:5 Lenspirasyon, Biblia, Verse, Inpirational Verse, Church of Christ

Awit 3:3, 5, 8 Nguni’t ikaw, Oh Panginoon ay isang kalasag sa palibot ko: aking kaluwalhatian; at siyang tagapagtaas ng aking ulo. Ako’y nahiga, at natulog; ako’y nagising; sapagka’t inaalalayan ako ng Panginoon. Pagliligtas ay ukol sa Panginoon: sumaiyong bayan nawa ang iyong pagpapala. Habang binabasa mo ang blog na ito alam kong kakabasa mo lang ng mga balita kanina. Balitang puno ng kasamaan. Patayan. Barilan. Karahasan. Digmaan. At marami pang ibang tulad nito. Patunay lamang na ang sanlibutan ay …

Basahin

Siya ang Ating Kasapatan

Lenspirasyon, Biblia, Verse, Inpirational Verse

Hebreo 13:5-6 Mangilag kayo sa pagibig sa salapi; mangagkasiya kayo sa inyong tinatangkilik: sapagka’t siya rin ang nagsabi, Sa anomang paraan ay hindi kita papagkukulangin, sa anomang paraan ni hindi kita pababayaan. Hebreo 13:5-6 (SND) Ang pamumuhay ninyo ay dapat walang pag-ibig sa salapi. Masiyahan na kayo sa mga bagay na taglay ninyo sapagkat sinabi ng Diyos: Kailanman ay hindi kita iiwan at kailanman ay hindi kita pababayaan. Ang pagiging kontento o may kasiyahan kung anong mayroon ay isang mahalagang …

Basahin

Hasik!

Hasik, Matthew 13:8, Bible, Lenspirasyon, Inspirational Quotes, Church of Christ, Verse, PMCC (4th Watch)

Mateo 13:3-9 At pinagsalitaan niya sila ng maraming mga bagay sa mga talinghaga, na sinasabi, Narito, ang manghahasik ay yumaon upang maghasik. Ang talinhaga ng paghahasik ng binhi ay tumutulong na maunawaan natin ang proseso ng pagsasagawa ng ating pananampalataya sa pamamagitan ng pag-e-evangelismo. Gaya tayo ng manghahasik- inihahasik ang mga mahahalagang binhi saan man tayo dumako. Kahit na tayo ay tapat sa tungkulin, hindi lahat ay agad na makikinig. Maaaring ang ilan ay hindi tumugon; maaaring ang ilan ay …

Basahin

Pag-asa sa Pagkabuhay

Bible, Lenspirasyon, Inspirational Quotes, Church of Christ, Verse, PMCC (4th Watch)

“Sinabi sa kaniya ni Jesus, Ako ang pagkabuhay na maguli, at ang kabuhayan: ang sumasampalataya sa akin, bagama’t siya’y mamatay, gayon ma’y mabubuhay siya.” -Juan 11:25 Ang Linggo ng Pagkabuhay ay hindi tungkol sa mga makukulay na itlog, o sa pagsuot ng damit na kulay-pastel, o sa mga malalaking pagkain, bagaman ang mga ito ay kabilang sa pagdiriwang sa tinatawag nilang Easter Sunday. Sa halip ang Pagkabuhay na itinuturo ng Biblia ay sumasklaw sa kamatayan at muling pagkabuhay ng ating …

Basahin

Handog sa Kasalanan

Bible, Lenspirasyon, Inspirational Quotes, Church of Christ, Verse, PMCC (4th Watch)

Hebreo 9:28 “Ay gayon din naman si Cristo, na inihandog na minsan upang dalhin ang mga kasalanan ng marami, sa ikalawa’y pakikita na hiwalay sa kasalanan, sa ikaliligtas ng mga nagsisipaghintay sa kaniya.” Levitico 9:7 “At sinabi ni Moises kay Aaron, Lumapit ka sa dambana, at ihandog mo ang iyong handog dahil sa kasalanan, at ang iyong handog na susunugin, at itubos mo sa iyong sarili at sa bayan: at ihandog mo ang alay ng bayan, at itubos mo sa …

Basahin

Huwag Kang Matakot

Bible, Lenspirasyon, Inspirational Quotes, Church of Christ, Verse, PMCC (4th Watch)

Huwag kang matakot, sapagkat ako’y sumasaiyo; huwag kang manglupaypay, sapagka’t ako’y iyong Dios; Aking palalakasin ka, aking tutulungan ka, Aking aalalayan ka ng aking kanang kamay ng katuwiran. – Isaias 41:10 Huwag matakot? Paano tayo inasahan ng Dios sa isang di-makatotohanang bagay? Ito ay madaling sabihin para sa Kanya dahil Siya ay Dios. Siya ay nasa langit. Hindi Niya siguro alam kung anung pinagdaraanan natin dito sa lupa. Tayo ay nahaharap sa mga karahasan at mga kalamidad, kasama pa ang …

Basahin

Salitang May Biyaya

Bible, Lenspirasyon, Inspirational Quotes, Church of Christ, Verse, PMCC (4th Watch)

Colosas 4:29 “Ang inyong pananalita nawa’y laging may biyaya, na magkalasang asin, upang inyong maalaman kung ano ang nararapat ninyong isagot sa bawa’t isa.” Ang mga salita ni Pablo ay nagpapaalala sa atin na dapat sa tuwing tayo ay magsasalita ay pawang mga mabubuting salita ang ating mga sinasabi. Mga salitang may biyaya. Mga salitang nakakapagpalakas at nagbibigay halimbawa. Ang ating mga salita ay dapat sa ikatitibay ng makakapakinig (Efeso 4:29). Ang Panginoong Jesus at si Pablo ay mga halimbawa …

Basahin

Sa Awa ng Dios

Bible, Lenspirasyon, Inspirational Quotes, Church of Christ, Verse, PMCC (4th Watch)

Efeso 2: 4-5 “Nguni’t ang Dios, palibhasa’y mayaman sa awa, dahil sa kaniyang malaking pagibig na kaniyang iniibig sa atin, Bagama’t tayo’y mga patay dahil sa ating mga kasalanan, tayo’y binuhay na kalakip ni Cristo (sa pamamagitan ng biyaya kayo’y nangaligtas)” Parang may pagkakahawig ang kahulugan pero may kakaunting pagkakaiba ang salitang biyaya (grace) at awa (mercy). Ang biyaya ay nangangahulugan ng “pagtanggap sa mga bagay kahit na hindi ka karapat-dapat,” sa ibang salita, ang biyaya ay ang mga hindi …

Basahin

Higit pa sa Ating Inaasahan

Bible, Lenspirasyon, Inspirational Quotes, Church of Christ, Verse, PMCC (4th Watch)

“Hindi sa kami ay sapat na sa aming sarili, upang isiping ang anoman ay mula sa ganang aming sarili; kundi ang aming kasapatan ay mula sa Dios;” – 2 Corinto 3:5 Mula pa ng likhain ng Dios ang tao, Kanyang sinigurado na ang lahat ng kakailanganin ng tao ay nakahanda na. Ang mundo, kasama ang lahat ng kailangan ng tao, ay nilikha bago ang tao. Kaya, sa panahong iyon ang tao ay malusog: pisikal, materyal, at higit sa lahat, sa espiritual. …

Basahin