Siya ang Ating Kasapatan

Lenspirasyon, Biblia, Verse, Inpirational Verse

Hebreo 13:5-6 Mangilag kayo sa pagibig sa salapi; mangagkasiya kayo sa inyong tinatangkilik: sapagka’t siya rin ang nagsabi, Sa anomang paraan ay hindi kita papagkukulangin, sa anomang paraan ni hindi kita pababayaan. Hebreo 13:5-6 (SND) Ang pamumuhay ninyo ay dapat walang pag-ibig sa salapi. Masiyahan na kayo sa mga bagay na taglay ninyo sapagkat sinabi ng Diyos: Kailanman ay hindi kita iiwan at kailanman ay hindi kita pababayaan. Ang pagiging kontento o may kasiyahan kung anong mayroon ay isang mahalagang …

Basahin

Tayo’y Kanyang Gawa

Bible, Lenspirasyon, Inspirational Quotes, Church of Christ, Verse, PMCC (4th Watch)

Efeso 2:10: “Sapagka’t tayo’y kaniyang gawa, na nilalang kay Cristo Jesus para sa mabubuting gawa, na mga inihanda ng Dios nang una upang siya nating lakaran.” Narito ang isang talata na makakapagpaningas ng ating paglilingkod sa Dios anuman ang ating ginagawa. Dito kasi ay maliwanag na binanggit na tayo ay isang gawa – isang likha ng Dios. Hindi lang basta ito simpleng gawa kundi isang kamanghamanghang gawa. Katunayan sa English ang ginamit na salita ay “masterpiece” at sa Espanyol ay “obra …

Basahin

Salitang May Biyaya

Bible, Lenspirasyon, Inspirational Quotes, Church of Christ, Verse, PMCC (4th Watch)

Colosas 4:29 “Ang inyong pananalita nawa’y laging may biyaya, na magkalasang asin, upang inyong maalaman kung ano ang nararapat ninyong isagot sa bawa’t isa.” Ang mga salita ni Pablo ay nagpapaalala sa atin na dapat sa tuwing tayo ay magsasalita ay pawang mga mabubuting salita ang ating mga sinasabi. Mga salitang may biyaya. Mga salitang nakakapagpalakas at nagbibigay halimbawa. Ang ating mga salita ay dapat sa ikatitibay ng makakapakinig (Efeso 4:29). Ang Panginoong Jesus at si Pablo ay mga halimbawa …

Basahin

Ang Panahon para Maligtas

Bible, Lenspirasyon, Inspirational Quotes, Church of Christ, Verse, PMCC (4th Watch)

2 Corinto 6:1-2 “At yamang kalakip niyang gumagawa ay ipinamamanhik din namin sa inyo na huwag ninyong tanggapin ang biyaya ng Dios na walang kabuluhan. (Sapagka’t sinasabi niya, Sa panahong ukol kita’y pinakinggan, At sa araw ng pagliligtas kita’y sinaklolohan: Narito, ngayon ang panahong ukol; narito, ngayon ang araw ng kaligtasan)” Ang kaligtasang tinutukoy sa 2 Corinto 6:1-2 ay ang kaligtasan ng ating mga kaluluwa, at sa 1 Pedro 1:9 ay ang kaligtasan mula sa kasalanan. Ang gusto nating pag usapan …

Basahin

Tumawag Ka!

Bible, Lenspirasyon, Inspirational Quotes, Church of Christ, Verse, PMCC (4th Watch)

Jeremias 33:2-3 Ganito ang sabi ng Panginoon na gumagawa niyaon, ng Panginoon na umaanyo niyaon upang itatag; Panginoon ay siyang kaniyang pangalan: Tumawag ka sa akin, at ako’y sasagot sa iyo, at ako’y magpapakita sa iyo ng mga dakilang bagay, at mahihirap na hindi mo nangalalaman. Napakadakilang pangako ng Dios kay Propeta Jeremias, at maging sa bawat isa sa atin, na kapag tumawag sa Kanya, Siya’y sasagot, magpapakita ng mga dakilang bagay at mga bagay na hindi nalalaman. Mabisa at …

Basahin

Itataas ka ng Dios

Bible, Lenspirasyon, Inspirational Quotes, Church of Christ, Verse, PMCC (4th Watch)

Awit 3:3 “Nguni’t ikaw, Oh Panginoon ay isang kalasag sa palibot ko: aking kaluwalhatian; at siyang tagapagtaas ng aking ulo.” Awit 3:3 BMBB “Ngunit ikaw Yahweh, ang aking sanggalang, binibigyan mo ako ng tagumpay at karangalan.” Kung iyong pagbubulayan ang iyong buhay, anung sitwasyon ang pinaka-walang pag asa para sa ‘yo? Yung puntong lugmok na lugmok ka na at sobrang desperado. Naisip mo na? Ngayon, isipin mo ito, nang sinubukan ni Absalom na agawin ang trono mula sa kanyang amang …

Basahin

Maka-Dios na Pamumuhay

Bible, Lenspirasyon, Inspirational Quotes, Church of Christ, Verse, PMCC (4th Watch)

Roma 14:8 (SND) “Ito ay sapagkat kung tayo ay nabubuhay, nabubuhay tayo sa Panginoon. Kung tayo ay mamamatay, mamamatay tayo sa Panginoon. Kaya nga, kung tayo ay nabubuhay o kung tayo ay mamamatay, tayo ay sa Panginoon.” Ang buhay dito sa mundo ay hindi isang paggala sa parke, anumang anggulo tignan. Ang buhay ay punong puno ng pakikibaka at paghihirap, oo, kahit para sa mga totoong mayayaman at makapangyarihan, sapagkat isang kahangalan na isipin na ang lahat ng mga problema …

Basahin

Manatili sa Pagkatawag

Bible, Lenspirasyon, Inspirational Quotes, Church of Christ, Verse, PMCC (4th Watch)

“Bayaang ang bawa’t isa’y manatili doon sa pagkatawag na itinawag sa kaniya.” – 1 Corinto 7:20 (basahin mula 17-23) Kung minsan nakakapagisip tayo na sana’y naging ibang tao na lang tayo o kaya’y nasa ibang lugar. Nakakaramdamam tayo ng inggit sa iba na sana naging gaya nila tayo – talentado, magaling, mahusay o anomang bagay na mayroon sila. Gayunpaman, ang Dios ay maaari tayong kasangkapanin, sino man tayo o ano man ang mayrooon sa atin. Gaya ng pahayag ni Apostol Pablo, …

Basahin

Batong Buhay

Bible, Lenspirasyon, Inspirational Quotes, Church of Christ, Verse, PMCC (4th Watch)

“Kayo rin naman, na gaya ng mga batong buhay, ay natatayong bahay na ukol sa espiritu, upang maging pagkasaserdoteng banal, upang maghandog ng mga hain na ukol sa espiritu, na nangakalulugod sa Dios sa pamamagitan ni Jesucristo.” – 1 Pedro 2:5 Ang isa sa mga katipo o kahalintulad ng Iglesia ay tinatawag itong Bahay ng Dios. Hindi ito literal na bahay sapagkat ang Dios ay hindi maaaring ipasok dito. Kaya nga ang sabi ni Propeta Isaias: “Ang langit ay aking luklukan, …

Basahin

Kanyang Pinahihiga sa Pastulan

Bible, Lenspirasyon, Inspirational Quotes, Church of Christ, Verse, PMCC (4th Watch)

“Kaniyang pinahihiga ako sa sariwang pastulan: pinapatnubayan niya ako sa siping ng mga tubig na pahingahan” Awit 23:2 Tingnan ang unang bahagi dito: Awit 23:1 Hindi madali ang magpahiga ng tupa. Hindi ito mapapaupo hanggat hindi naibibigay ang kanilang gusto at kondisyon: • Dapat hindi sila takot – likas na matatakutin ang mga ito kaya nga kapag may natakot na isa susunod na ang buong kawan. Subukan mong lumapit sa kanila, tiyak lalayo sila lahat sa yo. • Walang away sa kapwa tupa …

Basahin