Siya ang Kanlungan

“Aking sasabihin tungkol sa Panginoon, siya’y aking kanlungan at aking katibayan, ang Dios ko na siyang aking tinitiwalaan.”
– Awit 91:2

Mayroong lihim na kasaysayan sa Japan na kung tawagin ay Kirishtan Holocaust na kung saan noong 1595 sinimulang patayin ang mahigit 100,000 mga Japanese Christian (bagamat sa ilang tala ay aabot ito ng isang milyon). Nangyari ito noong panahon ng Edo Period na kung saan mahigpit na ipinagbabawal ang ibang relihiyon maliban sa kanilang kinagisnan. Bagamat sa kabila ng paguusig ay patuloy pa din ang pagpapalaganap ng Kristianismo na ayon sa kasaysayan ay umabot pa sa tatlong milyon, kaya naman tinawag itong “The Christian Century.” Yun nga sa pagtatapos ng 16th century naglabas ang gobyerno naging matindi at malulupit na pag-uusig na halos ikabura ng Kristianismo. Sinasabi pa na nagsimula ito noong November 1996 ng inaresto ang 26 Japanese Christians sa Kyoto at pagkatapos ay ipinako sa isang burol sa labas ng Nagasaki, pinakabata ay nasa labindalawang taong gulang.

Ang ganitong istorya sa kasaysayan ay ilan lamang sa mga halimbawa kung papaanong sa gitna ng matinding paguusig ay nananatiling matatag ang isang Kristyano. Katunayan kung bakit lumago ang gawain ng Dios ng mga naunang siglo ay dahil na din sa matinding pag-uusig. Gayunpaman hindi ito naging hadlang sa pagsulong kundi lalo pa nitong pinaningas ang pananampalataya ng mga naunang Kristyano. Mapapansing sa kabila ng panganib ng buhay ay nananatili pa ding panatag ang isang mananampalataya – ito’y dahil alam niyang ang Dios na kanyang pinaglilingkuran ay buhay at matibay na kanlungan. Anuman ang ating kalagayan o kinahaharap ngayon, tandaan nating mas matindi ang hinarap na panganib at problema ng mga naunang mananampalataya sa atin. At lagi nating isaisip na ang Dios ay ang ating matibay na kanlungan.

Bible, Lenspirasyon, Inspirational Quotes, Church of Christ, Verse, PMCC (4th Watch)


PATUNGKOL SA LARAWAN
Nagoya Castle, Nagoya, Japan

Lenspirasyon

Ang blogger ng site na ito ay kasalukuyang mag-aaral sa ministeryo ng Salita ng Dios at graphic arts. Kasama ng hilig sa landscape photography, nagkaroon siya ng ideya upang maghatid inspirasyon sa mga tao sa pamamagitan ng pagsanib ng mga larawan at talata sa Biblia.

Facebook Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *